Isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) na kinilalang si Deomedes Apinado(a.k.a. Delio) na kasalukuyang Kalihim ng Larangan 1, Komiteng Probinsya 5 (KP5) Albay at Political Officer ng KP5 ang nasawi samantala isang kalibre 45 na baril, isang granada, ilang bala ng kalibre 45 na baril at mga subersibong dukomento ang nasamsam matapos ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebelbeng grupo sa Barangay Talisay, Bayan ng Oas, Lalawigan ng Albay, dakong alas 6:30 ng umaga, Abril 19.
Resulta ito ng pakikipagtulungan ng isang sibilyan mula sa naturang lugar na lumapit sa ating kasundaluhan hinggil sa presensya ng naturang armadong grupo na nooy nangingikil at naniningil ng revolutionary tax sa masa. Kaagad naman na rumisponde ang tropa ng 83rd Infantry Battalion sa report na natanggap nang putukan sila ng mga rebelde na humantong sa 10 minutong palitan ng putok.
Si Apinado ay may tatlong murder at dalawang attempted murder na kasong kinakaharap. Base sa DND-DILG No. 10-2009 petsa Abril 23, 2009 ang naturang lider ng NPA ay may patong sa ulo na nagkakahalagang 2.2 Milyong Piso dahil sa patung-patong nitong kaso sa pagpatay.
No comments:
Post a Comment